Mga Marka
belief, church, egg, monasterio de santa clara, visita iglesia
25 Biyernes Peb 2011
21 Lunes Peb 2011
17 Huwebes Peb 2011
Posted in emotion, problem, relationship
≈ Mga Puna
Mga Marka
Dear Ate Jevs,
Magkaklase kami ni Pippo na kilalang bading sa klase. Galaw, porma at ugali alam kong bading talaga siya dahil nagkakasama pa kami sa mga lakaran. At pinakinaiinisan ko pa ‘yong pagtawag n’ya sa landline nung crush ko dati tapos ako ang sinabing tumatawag sa bahay nila.
Nagkaaway na rin kami siguro dahil sa projects, medyo nagka-clash kami kapag nagmamatalino siya at ako naman ay nagmama-angas hehehe. Pero sa kabuuan ay okay ang samahan namin kasama ng iba naming kaklase.
Lumipat po ako nung school at medyo naputol ang aming communication ng ilang buwan. Nagulat na lang ako nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya. Nililigawan po niya ako. Sabi ko sa kanya, eh di ba bakla ka? Niloloko mo ba ako?
Kayo po ano sa tingin ninyo?
Hershey
____________________________________________________
Dear Hershey,
Mahirap makita hindi lamang sa mata kundi sa kokote ang problema mo. Hindi lang kasi friendship ang isyu kundi ang pagkatao n’ya. Pero guapo ba, mabait, matalino, o yung tipong kaibig-ibig naman. Pagnilayan mo rin as in maglakad-lakad ka sa baywalk, Manila Bay sa dapit-hapon o kaya ay umakyat ka sa Mt. Makiling ng nakatakong na sapatos. Baka maisip mo na kung aalisin mo iyong thought na bading siya ay magugustuhan mo siya.
Confirm mo rin talaga sa kanya kasi kamo sa phone pa lang kayo nagkakausap. Baka naman wrong number lang siya at pinagtripan na lang sa’yo sabihin yung linya sa iba. O kaya naman baka naman mukha kang lalaki o tomboy, joke! Kung confirmed na confirmed, balik ka na sa step one.
Ate Jevs
16 Miyerkules Peb 2011
Posted in information, society
≈ Mga Puna
13 Linggo Peb 2011
Mga Marka
Dear Ate Jevs,
Natatakot po akong magmahal kasi wala akong karanasan. Natatakot akong masaktan, mapahiya at mapaglaruan. Pero gusto ko ang may minamahal at nagmamahal sa akin. Nasagot naman po iyon nang dumating si Aldrin sa buhay ko.
Si Aldrin ay isang bokalista ng isang banda, guapo, at mukhang seryoso. May nakapagsabi na sa akin na playboy daw yun at bibilang lang ng buwan at papalitan n’ya na ako. Pero hinayaan ko pa rin ang aking sarili na mahalin siya.
Dumating ang pinakinakabahan kong sandali, nakita ko na may kinakalantari (flirt) siyang maganda at seksing babae. Ang sakit-sakit, parang dinudurog ang puso at isipan ko. Ano nga ba naman ang laban ng isang ordinaryong babaeng gaya ko sa isang ganung babae? Bakit ko nga ba pinatulan ang isang lalaking ang hirap mahalin?
Nakipagkalas po ako sa kanya pero binabalikan n’ya po ako. Ano pong gagawin ko?
Salamat po,
Pearl
Dear Pearl,
Alam mo ang pinaka-major problem sa love life mo ay hindi si Aldrin o ang imahe n’ya, Ikaw! Parang ang low-low ng confidence mo na napakadali kang mauto este maniwala sa sulsol ng iba.
Tanong ko lang, buti binabalikan ka ni Aldrin e hindi naman siya ang umalis? Pero in fairness iha, ibig sabihin lang nun na mahal ka talaga n’ya kahit pa sabihin nating ang ordinaryo mo kamo at mayroon siyang kinakalantaring iba.
Sa trabaho n’ya at itsura nya malamang maraming aaligid-aligid na chicks. So intindihin mo ‘yon pero ang higit sa lahat maniwala ka sa power of love, sa love nya at sa iyong sarili.
Bow!
Ate Jevs
Note: Binabati ni Hoshi ang may love ngayong Valentine’s day!