Mga Marka
Kung mukha akong pasensyosa o kung sinasabi kong nagpapasenysa ako, sa maraming pagkakataon talaga ay ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magpasensya. May mga point na talagang isinasama ko ‘yan sa mga panalangin ko.
Patience: Peace
“He who knows patience knows peace.” unknown author (source: dictionary.com)
Coward daw ang wag magsabi ng iyong saloobin lalo na kung feel mong dehado ka? eh paano naman kaya kung yang feeling mo ay sa sarili mo lang opinyon and in fact, kung logic lang ang pag-uusapan amanos lang kayong dehado or mas siya (kung sino man siya) pa ang talo sa ‘yo.
Hangaga’t maaari ibinabalato ko na sa iba ang maliit na pagkakamali,attitude at kabalahuraan nila. Nakakairita, oo, pero kapag ang tao may matinding emosyon para ka lang tandang na sasabong sa kanya. kung nagpapadyak ang isang babae sa likuran mo habang sumisit ang bibig at nakalamusak ang mukha… puwedeng kanina pa ihing-ihi yan sa biyahe naunahan mo pa.
Kung wala kang patience, mahirap siguro ang makahanap ng makakausap, makakasundo,makakasamang kumain sa break, makaka-partner sa project at makaka-relasyon.
Patience: Prosperity
Naobserbahan ko lang ha, may mga tao na gustong yumaman pero wala namang tiyaga na gumawa ng paraan para matupad ito. Ayokong, i-judge ang isang taong nakilala ko kamakailan pero I think yong impression ko sa kanya ang perfect example dito.
Kini-claim niya na halos lahat ng puwedeng pagkakitaan ay napasok na niya. Alam na raw niya halos lahat at siya iyong tipong pang-business talaga. Okay sige go go go lusong na sa sapa, yan ang sabi niya e. Pero nung tinanong ng friend ko kung tapos na ba siya hindi pa raw. Thesis na lang daw sana at titingnan pa niya kung maipagpapatuloy niya. Eh ayaw na rin daw niya mag-aral kasi pang business nga siya.
Okay sige, walang tiaga sa pag-aaral baka naman okay sa business? Sabi ng friend ko totoong marami nang napasok yon (halos lahat networking) at magaling mangulit parang you can’t say no sa kanyang mga invitation. Eh kako anong nangyari? Iniiwan din niya ang mga yon at palipat-lipat.
Kung puno ka nga ng passion sa iyong ginagawa pero wala lang patience para i-pursue ang mga ‘yon laging hanggang simula lang ang lahat. Walang matatatapos at walang patutunguhan.
Kaya patience Hoshi, kung gusto mo ng Peace and Prosperity! In fairness, hirap i-sustain ha!