nabasa ko sa inbox ko ito at super sama kaagad ako.
WordCamp Philippines 2010
31 Sabado Hul 2010
Posted in journey, relationship, self, society
≈ Mga Puna
nabasa ko sa inbox ko ito at super sama kaagad ako.
WordCamp Philippines 2010
22 Huwebes Hul 2010
Ikaw na nga ang nag-set ng time at kapag nire-remind kita, ikaw pa ang may ganang mairita. Krrrr! – >>>>> >>>>>
Huwag mo sa akin ipagsiksikan lahat ng dalahin mo, napupuno rin ako – >>>>
Hindi ako palamuti, sana inaalam mo rin ang saloobin ko!->>>>>
Ikaw kung makatingin-tingin ka para kang nakakaloko! Ano? Takutan na lang?- >>>>>>
Pasilip-silip kapa ha, huli ka na! – >>>> >>>>>
Alam ko uso ang cost-cutting pero pati ba naman ako dinadamay mo? – >>>>>>
Puwede kang makapag-relax at makapag-rest with me pero before that, pwede pakilinis mo muna itong itinambak mo sa akin – >>>
Sige kaya ko yang init niyan kahit gaano katagal pa, see? panis! ->>>>>>
Pagod na pagod na ako, pagpahingahin muna ako!!!! – >>>>>>>
Ibang tao umaasa sa destiny at gayuma para e bat kaming magkapares pinaghihiwalay mo – mga medyas kong nawawala ang kapares
Kasalanan mo kung bat nagkaganito ako, ngayon ikaw naman ang pahihirapan ko. Masasaktan ka muna bago mo ako maalis sa sistema mo – kuko sa paa.
17 Sabado Hul 2010
napanood ko na ang girl, interrupted at dahil dyan napaisip tuloy ako kung bomo-border na rin ako sa pagiging eng-eng. at ito na nga ang naisip kong mga ma-aning-aning kong katangian:
10 Sabado Hul 2010
Mga Marka
-bakit ba napakatagal maghintay pero napakadaling umayaw?
-may nagsabi na kapag matanda na ang dapat ay i-enjoy na lang ang life niya. eh paano naman yung batang hindi o hindi pa ma-enjoy ang life?
-minsan kahit kilala mo na yung tao ng matagal pero ilang buwan pa lang kayo hindi nagkikita e parang iba na siya sa paningin mo. malaki talaga ang nagagawa ng time and space/ distance ano?
-hangad ko lang ay buong pamilya – coco martin (kung tay’oy magkakalayo)
-may pagkakaiba yung nag-iisa ka at wala kang kasama doon sa nag-iisa ka na marami kang kasama na hindi mo mga kilala.
-napakasarap magplano pero napakahirap gumawa ng aksyon.
-madalas kahit alam mo na ang sagot, gusto mo pang idikdik sa iyo ng iba yun.
-at panghuli, bakit yung iba de tabo pero nakakapagbuhos naman pero yung mga pam-flush di pa magawang mag-shoot ng tama. bow!
03 Sabado Hul 2010
Posted in dream, entertainment
≈ Mga Puna
Mga Marka
synopsis:
ang sci fi action film na ito ay tungkol sa isang ordinary girl na nagkaroon ng kapangyarihan nang magkaroon ng sabay na lunar at solar eclipse sa earth na tumagal ng kalahating araw. sa hindi maipaliwanag na dahilan, may mga piling tao na naging mutant pero bawat isa sa kanila ay may naka-destine o nakatakdang makakatapat o makakapatay sa kanila. Since ang bidang babae ay hindi aware sa kanyang kapangyarihan lumalaban siya gamit ang kanyang sariling lakas at talino (martial arts at magic tricks) either utakan niyang pilayin, bulagin o gawing paralisado ang kanyang mga kalaban. Ang hindi niya alam ay siya ang makakatapat ng kanang kamay ng masamang si Horlam (British actor) na si Kurbu (Korean and Japanese Actor). Si Kurbu ay kayang pumatay ng 360 tao sa isang kumpas ng kanyang kamay. (actually mas powerful siya kay Horlam na kayang tumunaw ng tao. kinikilala niya lang na amo ito). Naging target na ang bidang babae ng grupo ni Horlam dahil ito ang susi para mahanap ang nilalang para ma-immune sila sa kanilang nakatakdang makakatapat. Ang hindi nila alam lahat ay katangi-tangi at nag-iisa ang kapangyarihan ng bidang babae at ito ay ang deflection… kaya niyang ibalik sa kalaban ang anumang tira sa kanya nito.
Ang balita ko ay ang bida dito ay siyang writer din ng story at siya’y walang iba kundi si Hoshi Laurence … ang Doña ng Hoshilandia. wahahahahah (pasado ba ang action film ko?)