Mga Marka
To Whom It May Concern:
May tineks ako sabi ko “siguro magulo akong tao at hirap ako i-explain ang laman ng utak ko pero I know kung ano ang gusto ko.”
Ganun pala ‘yon, akala ko mahirap yung ikaw ang naiiwan pero iba rin pala kung ikaw ay yung umaalis. I thought magaling ako sa declamation, speech, oration at kahit na monologue pero iba pa rin pala ‘pag nag-e-explain ka sa taong kinatatakutan mo kasi ayaw mo siyang masaktan o maghihinakit sa iyo.
Actually, medyo na-organize ko na sa utak ko kung ano yong mga punto na gusto kong sabihin pero para akong host na nag-buckle sa isa sanang magandang palabas. Hindi lang pala dapat script ang pinag-aralan ko kundi ang buong hosting job.
At alam mo ba marami na akong taong sinabihan na aalis ako pero sa huli hindi ko ginagawa o nangyayari. Kasi malamang hindi pa ako decided o tini-test ko lang kung hanggang saan yung pagpapahalaga niya sa akin. Ilang beses akong nagtangka pero madalas ako rin pala ang maiiwan. Knowing me, hangga’t kaya kong magtiyaga ginagawa ko, hanggat may rason o may natitira akong passion sige lang puwede pa.
And yung sa atin, yun na ang isa sa malalaking bagay na nag-decide akong mag-quit. I don’t know kung maiintindihan mo this time pero all in all hindi ko na maramdaman na dito ako. Gusto kong suportahan ka sa abot ng aking makakaya pero gusto ko rin yung ibang bagay na trip kong i-pursue. Gusto ko lang i-focus ang sarili ko sa puwesto na hindi kita paaasahin ng hindi ko naman kayang gawin o magagawa pang tuparin.
Nasa sa iyo na kong ano ang desisyon mo sa explanation ko. Hindi ko hihingin na intindihin mo ako pero kung mangyayari maraming salamat! Pero ito kasi ako at ganito ako, parang loka-loka pero may sariling pag-iisip.
JM Laurence
Dear JM,
Agree ako na loka-loka ka dahil paanong ilagay mo na to whom it may concern eh si Ate Jevs ito. Hindi mo ba ako kilala? and take note ha, parang ako pa kinagagalitan mo. Ayoko kitang sagutin, nagtatampo ako. Hmmmp!
Pero sige na nga dahil nandito na magbibigay na rin ako ng opinion. (madada ako e at pakilamera). Hayaan mo na kung ano ang dating sa kanya basta nasabi mo na kung ano ang nais mong ipahatid. Pero once na magkaroon ng chance na makapagbigay ka pa ng linaw mag-explain ka na lang ulit.
Ang ano lang kasi dyan kapag nag-e-explain ay puwedeng talagang hindi ka intindi-intindi o ayaw kang intindihin. Pero ‘wag nating ilagay sa puntong nawala na lahat ng ugnayan ninyo dyan pa rin yan, wag ka lang ma-praning.
Nagtatampo pa rin,
Ate Jevs
sbi nga ng disney,
“Goodbye May Seem Forever”
bow.
ok lng yan. ngyayare yan tlg.
tama… at after ng good bye may maghe-hello or magha-hi! hehehe
hmmm pamangkin, naniniwala akong masmadaling magpaalam kesa iwanan..
based on experience to pamangkin!
naniniwala ako sa sinabi mo tiro. ako rin madalas maiwan… sa bahay, sa bus, sa school at higit sa lahat sa takbuhan. mahirap nga rin ang iniiwan dahil mas mahabang panahon ang pagtitiis ng pain. pero siguro ang gustong ipunto ng sender ay masakit din naman ang nagpapaalam.
cheer up! that’s not the end of life.
Neil’s last post: Bukas na Liham
tama ka dyan… tuloy tuloy lang ang life kahit may umaalis at may naiiwan. oh ikaw ang umalis o ikaw ang naiwan.
instead of saying goodbye…mas masarap pa ring pakinggan yung ‘see you later’.
besides,ang mundo ay bilog.the farther you move away,the closer your coming back mula sa iniwanang lugar at tao.
yun lang po.bow!
hanep ah!
oo mas positive ang see you later.
hindi lang ako makasagot o mawari yung next line mo. pwedeng hindi ko maintindihan or hindi ko lang ma-imagine pa. hehehe
thanks by the way, Jm laurence will think about that.
Malamang ay kaya ayaw kang paalisin ay dahil nakikita nila ang iyong halaga ngunit naniniwala akong pasasaan bay ay lubos nilang matatanggap ang iyong desisyon. Bigyan mo lamang sila ng kaunting oras para maintindihan nag iyong naisin. :p
naku hindi ko mawari ang nais ipaarok leng-leng
sing lalim ng balon naming madumi at may gumagalang mga nilalang.
hehehe
well goodluck kay jm laurence
….”good riddance”, I guess…
musta na fren?
ako ba? hmmm okay naman alive and saving val. naalala ko raw na tibnakbo ko raw si val noong umulan kahit madapa-dapa ako. hehehe
Ah. Oo nga pala, si Val! How can I forget (her?)? Malaki na siguro ano? Post ka naman ng picture nia, o.
hmmm lalaki si Val kaya tinawag ko siyang my boytoy di ba? remember?
oo lumalaki na siya at nagiging lobo na hehehe
sige abangan mo ang pics niya, coming soon.