i
Salamat sa inyong lahat na nagreklamo bat ang haba-haba ng url at blogname ko!
Salamat sa mga nagtanong kung hitokirihoshi ba talaga ang real name ko.
Salamat din sa nag-inquire kung may lahing Hapon ba ako?
ii
Pero hindi man lang niyo tinanong kung… Ano ba ang gawain ko sa buhay?
My motto in life? May bf na? O may nagtatiagang BFF?
Isang hampas lupa o miembro ng alta-sosyedad?
iii
Pero salamat sa nag-abalang mag-isip kung san ko pinagpupulot ang mga ideya ko.
Salamat doon sa laging nagko-comment, concern at maging doon sa tawa lang tawa sa akin. Yung buma-boundary na sa diwa ko kung natutuwa o pinagtatawanan talaga ako nito?
Salamat doon sa basa lang ng basa, hindi naman nagko-comment at ni hindi man lang nagre-rate.
iv
sa bagay sino ba naman ako, mag-aakyat ba ako ng pera sa kaban ng bayan?
Maso-solve ko ba ang problema sa inyong puso’t isipan?
Ah baka nga pinalabo ko pa ang inyong sitwasyon at sukat na ma-realize ninyo na…Ito bang hito este prito, hitokir, yeah whatever… ay may K na maging blogger? Papanggap lang ata e.
v
well, hindi ko kayang i-please ang sinuman
Gusto ko lang sana magpasaya, ang pumukaw ng kamalayan
Nais kong ibahagi ang aking nalalaman at mga nagugustuhan
Kung di n’yo trip, okay fine! Hindi ko kontrolado feelings ninyo.
I’m just me, ang taong nagtatago sa pangalang Hitokirihoshi.
vi
Sana lang ay naisip ninyo kung gaano ko pinag-iisipan ang mga pino-post ko
Kung sinasala ko ba ang mga words ko, gumagamit ba ako ng word count o ano
Kumukonsulta ba ako sa mga batikang bloggers, editors, jurors etc
Okay di naman ako bitter, thankful nga ako diba?!
vii
pero nagtatanong na rin ako, nauubusan na ata ako ng kuwento? May pumapansin ba sa paniniwala ko? hayyyy
So sige para malaman mo ang dahilan ng pagmo-monologue kong ito..
Ito ang sagot, “BOW!”
(Tamo baka hindi mo pa i-click yang word na ‘yan, click mo na!)