Scary stories

Oktubre 28, 2009 at 3:38 umaga | In entertainment, places, story | 34 Comments
Tags: , , , , , , , , ,

Scary stories (Hoshi’s Halloween treat)

Sa Kubo

Sa dalampasigan ay masayang pinagmamasdan ni Lowella ang kanyang mga kaibigan na nagsu-swimming sa dagat. Habang ini-enjoy ang view ay napukaw naman ang kanyang atensyon ng isang halinghing.

Sinundan niya ang tunog na nagmumula sa isang kubo. Kung hindi siya nagkakamali ay parang halinghing ‘yon ng isang babae.

“Napaka-wild naman nito?! Dito pa talaga sa kubo gumawa ng lagim,” bulong ni Lowella. Pero napaigtad siya ng magsalita ang babae.

“Pare-pareho kayong lahat!” sigaw nito.

“Ikaw si Guada ang Bampira?!” nahihintakutan pang pagkabigla ng lalake.

“Oo ako nga,” sagot nito sabay sa tila pagkagat niya sa lalake. Nanlaki ang mata ni Lowella na hindi alam kung aalis sa pinagtataguan niya. Tanaw niya ang kanyang mga kaibigan pero malayo ang mga ito para marinig siya.

Tumutulo na ang pawis niya pero lakas loob siyang sumilay sa kubo. Doon ay nahintakutan siya sa isang matandang babae na nakamasid na pala sa kanya. malaki ang mata nito na nakaputing Baro’t saya at mahaba ang puting kulot na buhok na nakalugay. Kapansin-pansin ang pula na parang dugo sa bibig nito.

“Narinig mo ang usapan kanina no?” tanong nito sa Lowella na hindi na makasagot sa kaba.

“Gusto mo sumama?” dagdag na tanong pa nito sa kanya. Nang hindi pa rin siya makasagot ay hinila siya nito at pinaupo.

“Diyan ka lang,” utos nito.

“Ikaw na ang susunod, chismosang babae ka!” sigaw ni Guada bampira na muli ay nilamutak ang bago niyang biktima.

“Nakakatakot ano?Paborito ko ‘yang radio program na ‘yan,” sabi pa nito kay Lowella na inalok niya ng French fries at ketchup. “Sa iyo na ‘yang ketchup gusto ko naman gravy ang sawsawan.”

Bangungot

Galing sa magdamagang inuman si Milano kasama ang kanyang mga kaibigan. Napagdesisyunan niyang tumuloy muna sa isang motel.

Pagpatak ng alas-tres ng madaling araw ay nawiwe siya at nagpunta sa CR. Napansin niya ang isang babae na nakatayo sa may pintuan nito.

“Miss tabi ka nga, dyi-jinggle ako,” utos niya sa babae na tumabi naman.

Pagtapos niyang umihi ay nakatayo pa rin ang babae kung saan niya ito naiwan.

“Bah? Hinihintay mo ba ako lumabashhh, mishh hindi ito CR ng babae,” singhal niya rito.

Pagbalik niya sa kanyang hinihigaan, napadilat ng husto si Milano. Nakapanaginip siya ng isang babae sa may CR. Hindi man lang niya natanong ang pangalan. Tumayo siya at nagpunta ng CR, paglabas niya ay may nakatayo ulit babae sa may pintuan.

“Alam mo kamukha mo ‘yong napanaginipan ko?” sabi niya sa babae na makintab ang mahabang itim na buhok at may mapungay na mata. “Anong pangalan mo?” tanong niya ng maalala ang gusto niya sanang itanong sa panaginip.

Bago pa makasagot ang babae ay nagising ulit si Milano. Biruin mo napanaginipan niya na nanaginip siya ng isang babae. At ang eng-eng niya hindi man lang siya nag-isip na may pagka-wierd ‘’yong babae.

Punta ulit siya ng CR, tinampal ang mukha. Siniguro niyang nasa real world na siya. Hindi pa niya naisi-zipper ng husto ang pantalon niya nang may kumatok sa pintuan. Kinabahan si Milano.

“Shinoooh ‘Yan?” sabi niya pero katok pa rin ng katok ang nasa pintuan, palakas ng palakas at pabilis ng pabilis. Dahan-dahan ay binuksan ni Milano ang pintuan at bumuluga sa kanya ang babaeng nasa panaginip niya. Nanlilisik ang mata nito at sinakal siya.

“wahhh binabangungot ako, tulong!” sigaw ni Milano nang makilala niyang ang asawa niya ang babae sa CR, ang dahilan ba’t siya nag-iinom.

Mga Puna »

RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

  1. Naku, may pinaghuhugutan ang mga karakter sa istorya mo ha? Hehehe. Pwedeng pwede ito sa Pambura’t Lapis ni Hitokiri Hoshi!

    • actually wala…sobrang naisip ko lang sila. nagta-try ako na gumawa ng character na gawa-gawa lang talaga. tinanggal ko na nga yung isang story kasi sayang naman nagawan ko siya ng buong-buo.

  2. Usong-uso ngayon mga kuwentong katatakutan. Natural na ito kasi nga November na naman, kaya si Blog Ong nakisawsaw din sa uso. Ito video naman…

    http://tatakblogong.wordpress.com/2009/10/30/halloween-special-tignan-natin-ang-tapang-mo/

    http://tatakblogong.wordpress.com/2009/10/30/halloween-special-aswang-at-mambabarang-totoo-ba-ito-2/

    • oo nga, wala nakisalo rin lang naman ako. sige panonoorin ko yan.

      mabuhay!

  3. nice ate!

    scary! galeng ah…my inspiration ka ata, nako, wg nmn sanang ako! hehe… :lol:

    • salamat at nagustuhan mo. ummm puwede rin pero hindi naman ako inspirasyon sa katatakutan kundi sa pagsulat. daba!

      mabuhay!

  4. ako din
    mas gusto ko ang gravy sa fries kesa ketchup

    • hehehe. pareho kayo ni leng-leng. nahawa tuloy ako. buhehehe

      • basta ako fries and vanilla ice cream…yum yum!

        o kya fries w/mcfloat!

        hoooot hooooot!! ginugutom moko! :lol:

      • ay naku pareho din tayo ng trip sows. hehehe

        mas gusto ko yung second meal mo. pero kung ipapa-try sa akin ang ice cream at fries, mas gusto ko may choco. hehehe

        nyarap!

      • syempre
        great minds think alike
        nyahaha
        baka magprotesta si chief dito
        hehe

      • ay hindi malamang magkakasundo kayo. hahaha ayeeee

  5. di mo nako dinadalaw
    yun ang nakakatakot
    nyahaha

    • hahahah, medyo may guinagawa lang na nakakaruimarim. sya-sya pagbibigyan na kita. hehehe

      baka magalit pa si tita becky nyan

      • oo, mainitin ang ulo non ngayon
        di pumirma si starlet ng kontrata, eh
        wala tuloy silang kumisyon
        nyahaha

    • sinong co-management mo yan? di ko ma-sense kung sino. haruuu

  6. natakot ako sa una….pero natawa sa mga ending…ang galing!!!!!!!!

    • hehehe, salamat kuya! naisip ko lang din, kailagan ba hanggang ending eh matakot tayo sa kwento. dapat masaya naman. hehehe

      mabuhay!

  7. muuuuuuuuu!

    lingon. may multo sa likuran mo…………!

    • oo nga e, actually sa likuran mo rin meron VF. ayan oh naka-itim na damit at may dugos sa ilong. nanlalamig pa nga e

  8. hihihi…

    mas natakot ako at natawa sa pangalawa :lol:

    ang galing galing!

  9. Naku, super late na ang pagco-comment ko dito. Buti na lang late ko na nabasa para bawas din ang fear factor. hehehe

    • ah nye eh hindi naman basta nakakatakot ito leng-leng. halo-halo. may suspense, thrill, horror at yun na…

  10. hahahha ayun na eh. nasa sukdulan na ko ng aksyon. nabasa ko pa ang fries at ketchup. waahhahaha

    teka ung isa naman.

    • hahaha nakakawindang ba tito?! sana nagustuhan mo.

      • oo naman nagustuhan ko hehehehe

        :D galing galing nga

      • wow salamat-salamat Tito!

  11. wahahahah babangungutin ako sa kakatawa sa ending. naglasing pala para makalimutang bangungot ang asawa.

    pero takot ako dun sa double dreaming. yung nananaginip ka sa loob ng panaginip mo. deliakdo raw yun nakamamatay.

    • ayan napatawa na kita. hehehe kaloka di ba

      talaga? nangyayari sa akin yan tito. so many times.

  12. hindi ko pa binabasa… scary weh,,, hehehe…joke!

    sana hindi ganyan mga dreams mo… natawa ko dun sa bangungut… asawa niya pala yun :) )

    • heheh salamat naman at na-entertain ka.

      hmmm medyo totoo yung paulit-ulit na panaginip sa akin.

  13. alam ko totoong kwento yan marami nyan sa manila eh

    • talaga extracebu. teka baka may iba ka pang version. pa-kwento naman!


Mag-iwan ng puna

XHTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.