Mga Marka

, , , ,

Kung laro sa FB ang pag-uusapan, mas nag-i-stick ako sa “Restaurant City” kahit marami ang nagpa-farmtown (inabandona ko na sa akin) o farmville at sa iba pang mas cool na laro roon. Dumating pa nga sa puntong asar na asar ako kasi ang tagal-tagal mag-load at hirap makapasok. Dagdag pa roon ‘yong bumabagal ang PC ko kapag naka-open siya ( eh medyo anti-FB talaga ‘to).

Pero hanggang ngayon, ayaw ko pa rin tantanan ito at kahit may ibang resto na mas nagagandahan ako. Kumukuha ako ng tip para mag-level up pero ayoko mangopya, gusto ko idea ko mismo ang design doon. Kahit parang eng-eng lang.

Façade of my resto

Façade of my resto

Kung totoo lang siguro ‘to, malamang mahihirapan akong makabawi sa kita. Magastos ako lalo noong una. Ang isa ko ngang nakuhang award ay pagkilala sa aking pakikipag- shopaholic. Malamang din ay maguguluhan ang mga customers ko kasi bukod sa ang labo-labo ng ayos ng aking exterior and interior designs noon ay labo-labo rin ng menu ko. Basta depende lahat sa mood ko, madali ako magdesisyon sa pagpapalit ng mga kabagayan o paggastos. Katwiran ko, sa totoong buhay kuripot ako, hanggang dito ba naman? Iyon ang baba ng popularity.

Subalit, paunti-unti nakuha ko na ang ibig kong designs, mapaloob at labas. Hindi ko pa rin makuhang magyabang sa bagay na ‘yan pero sobrang kontento ako every time na pinagmamasdan ko ito ngayon. Lagi pa rin naman akong walang pera, pero I know na part ‘yon ng aking investment para mapaganda, tumaas ang level at makapagdagdag ng mga ingredients. Magastos pero medyo alam ko na kung ano ang mas magandang pagkagastusan.

my virtual restoNapagtanto ko na kaya ko siguro pinagtatyagaan ang laro na ito ay dahil psychologically sina-satisfy nito ang dream ko sa pagde-design, pagbili ng mga kabagayan, matutong magluto at higit sa lahat ay magnegosyo. Like real business, pwede rin kasi ang larong ito na iwan-iwanan at isabay sa ibang gawain. Very pang yuppies at busy students talaga.

Hoshi in Resto city

Hoshi in Resto city

Hindi ko sinasabi na magsipaglaro tayo ng resto city, siempre mas maraming laro na tiyak na magugustuhan n’yo (may Café World na rin ako). Ang nakakatuwa lang ay na-realize ko sa sa bagay na ito ang mga gusto kong gawin na hindi ko magawa, ‘yong puwedeng pangarap ko at magandang taktika sa pagnenegosyo.

Well sana nga ay magkaroon ako ng Café Hoshi someday ‘di ba?!