Valentine’s Day
Pebrero 3, 2009 at 9:33 umaga | In emotion, entertainment, women | 21 CommentsTags: charming, cooperation, date, devoted, effort, patient, respect, time, trust, valentine's day
Dear Ate Jevz,
Hello po! Lagi ko pong binabasa ang inyong entry kasi nakakadagdag ng knowledge.
May ka-date po ako nitong Valentine’s Day and I’m so excited! Anu-ano po bang katangian ang madalas na hinahanap ng isang tao sa kanyang ka-date? Thanks po & sana ay may maibigay kayong mga samples.
Luis Fernado Villaescobar
Dear LFV,
Thanks sa pagtangkilik mo sa aking mga entries!
At dahil diyan heto ang mga palagay kong katangian na dapat mong taglayin. Naglagay na rin ako ng mga sitwasyon para know mo kung ano ba ang aking pinatutungkulan.
Ate Jevz
Traits for any Valentino or Valentina
- Patient
Bekya: Mare, hindi ka man lang ba mag-aayos, eh date n’yo ngayon ni Bougard?
Prospera: Okay lang no! amoy ko pa lang patay na patay na ‘yon…
(maya-maya lumabas ang guapong asawa ni Prospera mula sa kusina)
Prospera: (tumayo agad at inakay ang asawa papalapit kay Bekya) Bekya ang asawa ko si Aga… Aga nandito si Bekya kaklase ko nung prep.
Aga: Hello Bekya nice to meet you ! (nagsasalita nang hindi nakatingin kay Bekya).
(Sa isip ni bekya: ito si Prospera, kailangan be patient ka talaga… buhahaha!!)
- Charming
Undo: Pards kilala mo ba si Simang yung magandang tindera sa kanto?
Enok: Oo naman pards, di ba iyon iyong kamukha ni Natalie Portman?
Undo: tumpak. Pinag-iisipan ko kasi kung ano bang magandang iregalo roon para mapapayag ko na makipag-date siya sa akin. Alin ba okay, tsokolate, rosas o alahas?
Enok: hmmm tingin ko alahas na lang bilhin mo.
Undo: bakit naman pare? Mukhang hindi naman materialistic yon.
Enok: tange ang bilhin mo yung charms and crystals ni mayor lim este ni Joy Lim para may gayuma… para patulan ka. Lakas mo rin no!
- give Time & Effort
Hilary: Nakakainis ang mister ko.
Barak: why? Wala bang time for you?
Hilary: hindi naman, ipagluluto nya nga raw ako sa Valentine’s Day
Barak: eh ganun pala e, ano problema sa kanya?
Hilary: eh sobrang busy raw niya, baka magsalo na lang kami sa NO Cook noodles para maka-save ng time. Grrrr
- Respect
Toring: ano balak mo sa girlfriend mo this Valentines Day? Ko-Quota na ba?
Dominador: naku hindi ko na iniisip ‘yan pare, tama na ang mag-holding hands kami.
Toring: Cammon Dom, ‘wag kang patawa eh knowing you… holding hands..tsk tsk
Dominador: eh yun lang naman ang safe sa kanya eh. Nanood kami ng sine hahalikan ko sana eh umutot. Nung yayakapin ko sana dun sa bus, umutot.. at eto pa… nung pumunta kami sa motel, nagtae. Terrible pare ang baho!!!
Toring: ah ganun ba, irespeto mo na nga lang kung ano ang gusto niya. Tsk tsk.. you’re such a loser Toring! Losher losher
- Cooperation
Jerap: Darling, saan tayo magdi-date sa Valentines Day? Gusto mo sa Hundred Islands, Tagaytay o Palawan?
Glori: Wala akong gusto sa mga binanggit mo.
Jerap: Bat saan ba ang gusto mo?
Glori: aba bago ka mag-isip kung saan tayo magpunta eh isipin mo muna ang ibabayad mo. Lintek ako laging taya sa mga date natin, ikaw naman no!
- Devoted
After their Valentine’s Date
Tina Pie: Sweetie Kaninong bahay ito?
Gimme: Sa parents ko, ipapakilala na kita (pasok sa bahay)
Tina Pie: (bulong) wow naman sweetie, nakaka-tense naman pero thanks I’m glad.
Ina ni Gimme: welcome iha sa aming mansion! Sana ay wag kang mahiya sa amin halika rito. (niyakap si Tina Pie) alam mo ba maipapagmamalaki ko ang pagiging devoted niyang anak ko na yang si Gimme.
Tina Pie: oo nga po feel ko po ‘yon.
(Biglang naglabasan ang buong angkan ni Gimme…)
Gimme’s clan: devoted din siya sa amin, may pagkain kami this valentine’s day… Sugod mga Twilighters!
- Trust
Dawson: Do you trust me?
Rose: I trust you
(ano ginagawa nila habang nagdi-date? Continuation…)
Dawson: Rose di ko na mapigilan!
Rose: kaya mo yan… mahal mo ako di ba.
Dawson : ang gaga mo naman kasi, bat ba pinasok-pasok mo ako sa bar na ito. eh daming guaping…. May pa-test-test ka pa diyan. Ayoko na, di ko na kayang magpa-mhin… (takbo)
Rose: jack, come back- come back!!!
Mga Puna »
RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI
Mag-iwan ng puna
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.



may nakalimutan kang impt trait
dapat GAME sya
hehe
Comment ni raft3r — Pebrero 3, 2009 #
ate Jevs: oo nga noh … windang pa ang ate nyo.
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 3, 2009 #
Panalo! Natawa ako rito ng bonggang-bongga. hehe
Ang galing mo talagang mag-advise ate Jevz, talagang may examples pa.
Comment ni len — Pebrero 3, 2009 #
ate jevz: oo naman leng-leng… yan ang nagagawa ng mga bangag sa kakaharap sa computer…
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 3, 2009 #
Fooo tres, hanggang number one ka lang ba marunong magbilang?
Kawawang Balentino, magiging presidente ng ‘Takosa’, Takot sa ____!
Comment ni VF — Pebrero 3, 2009 #
hehe
daig pa si joe the mango
teka buhay pa ba sya?
nyahaha
Comment ni raft3r — Pebrero 3, 2009 #
hahahah! eh wan ko ba dito sa wordpress. sa word eh naka 1234567 naman yan. naku sinabi mo pa VF!
korek… bukod sa Takosa dapat Sansuwi din. buhahaha
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 4, 2009 #
buhay pa naman siguro mang joe… alam mo ba may tape ako noon… nagugulat na lang ang mga tao sa amin, bat may biglang nagsasalita bago tumugtog yung tape …hehehe
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 4, 2009 #
Merong tatlong klase ng mga “waiting-for-the-perfect-man” dian; multiple choice, alin ang pipiliin mo:
(a) I wish, I wish
(a) Always, always
(a) I miss, I miss
Comment ni VF — Pebrero 4, 2009 #
my answer is…
(a) none of the above…
I’m jueteng for the perfect man…
oh ano laban ka?
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 4, 2009 #
bah, di ako naghuhueteng, ako a pinupustahan hehehe!
oi, trabaho ka na…
Comment ni VF — Pebrero 4, 2009 #
alin pong ta-trabahuin ko?
mag-jueteng o pumusta? hehehe
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 4, 2009 #
ano bang mga chances mo:
sa jueteng, 1/1000. sa pusta, kumuha ka lang ng ticket sa linia….
Comment ni VF — Pebrero 9, 2009 #
oo nga maliit lang chance ko , una wala na rin naman nun saka illegal pa. casino na lang ako sosyal pa. hehe
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 9, 2009 #
ahem tama ka iha at para bang may alam ka talaga. salamat tiya dele hahahahahahah
Comment ni dpuge — Pebrero 9, 2009 #
ate jevz: oo naman may alam ako dpuge (tatay obet!). sa sobra ngang marami ko ng nalalaman e malayo nararating ng imahinasyon ko. with matching mga eksena pa ang mga advices.
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 10, 2009 #
O ano, you have four days to go. Ikaw ba’y kumuha na ng tiket or still hueteng?
Comment ni VF — Pebrero 10, 2009 #
teka para saan po ang ticket? tokens lang po kasi ang ginagamit ko. hehe
meron na akong date, siya na bahala. ang kailangan na lang ay gawin ko siyang lalake. charing!
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 10, 2009 #
Si Rose ba na bungo na ang ulo ay buhay pa rin? Maligayang araw ng mga puso!
Comment ni jube — Pebrero 11, 2009 #
naku sa sobrang tigang niya ata e, pati dugo eh nawalan na rin siya. isa na lang ata siyang ala-ala ngayon na pumapasok sa mga nilalang. hehehe
Comment ni hitokirihoshi — Pebrero 11, 2009 #
[...] Mula rito… [...]
Pasa ni Sensible Diversion « KwentotPaniniwalaNiHitokiriHoshi — Abril 2, 2009 #