R.I.P. Daddy
Nobyembre 6, 2008 at 3:43 umaga | In emotion, journey, memory, relationship, self, story | 18 CommentsTags: all soul's day, belief, daddy, death, dream, father, fatherhood, memory, parent, tradition
Dear Ate Jevs,
May nabuo akong prinsipyo na imbes na maghimutok ay ipagdasal na lamang ang mga yumao. Ewan kong may matatamaang paniniwala iyon pero tingin ko mas maiigi na ang ganoon. Alangan naman kasi every time na masasaktan ka ay ibubunton mo sa taong wala naman diyan o lagi mong itataya sa lotto ang numero ng kanilang kapanganakan etc. etc.
Pero kapag Nov. 1 or 2 nakikisama naman ako sa tradisyon ng mga kamag-anak ko. Iyong padasal at konting paghahanda. Kasama sa buong angkan na ipinagdasal namin ay ang yumao kung Daddy. Halos 17 years na rin siyang patay at masasabi kong unti-unti ko ng nakakalimutan ang kanyang itsura kung hindi lang sa mga lumang larawan namin.
Medyo madrama ang mga eksena ng aking kabataan at kasama siya sa highlights. Hindi ko na ikukuwento ang mga ‘yon kasi gusto ko ng ibaon sa limot ang mga pangit at gusto ko na lang itira ay iyong ang masasayang alaala.
Sa aming apat na tunay magkakapatid, dalawa sa amin ang maki-ama, ang isa deadma at ako, bukod sa ina ko na lang ang nakasama ko simula’t sapul, ay masasabing maki-nanay. Subalit, siguro sa konting makakayanan ng aking Daddy ipinadama naman niya sa akin noon na espesyal din naman ako sa kanya Wala akong naalala na pinalo niya ako, bagkus aawayin niya sinuman na gagalaw sa noo’y very soft and delicate kong negrang skin.
Aaminin ko na may time na nagkaroon din ako ng hinanakit. Maraming akong tanong na alam ko rin namang ako na lang din ang sasagot kasi wala na nga iyong gusto kong tanungin. Naka-move on naman ako at nag-mature na.
Nung kumakain na kami sinabi sa akin ni insan na noong nabubuhay daw iyon, daddy’s girl daw ako. Sabi ko, hindi ko matandaan na naging masyado akong malapit sa kanya. Sagot niya, lagi daw akong kinakarga noon ‘pag nasa bahay. Alam mo Ate Jevs, na-move ako roon sobra. Mas nakikilala ko siya sa salita at sa mga kwento ng mga taong lagi niyang nakasalamuha noon.
Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit sabihin nating paranormal, parang siya pa ang hindi nakakalimot sa akin. Nagpakita pa nga siya sa akin sa panaginip nung magtapos ako sa pag-aaral. Wala siyang sinasabi roon pero nakukuha ko ang ibig niyang ipakahulugan na binabati niya ako at masaya siya. Kinakamayan niya ako pero nung iaabot ko na sana ang aking kamay nasabi o naisip kong patay na siya. Hindi naman niya ipinilit kundi ngumiti lamang siya saka lumabas. Actually, hindi ko na ini-expect na makita pa siya kahit sa panaginip. Pero kung totoo iyon, mas masayang-masaya siguro ako.
Sa November 9 ang anibersaryo ng kanyang kamatayan. Ang kanyang puntod ay nakalagak sa sementaryo ng lugar kung saan siya nagbinata, nag-asawa at namatay. Sa totoo lang, halos wala ng espesyal ang bawat punta ko roon. Ni hindi ko na nga gustong puntahan ang bahay nila roon, ang nais ko na lang gawin ay ipagdasal siya na sana maging mapayapa at masaya siya saan man siya naroroon.
Nene Saltiq
Dear Nene,
May tma k nga n mdmdamin ang iyong letter. Kulang na lang ay hingin q rin s ktabi q ang tissue n’ya (btw, nsa coffee shop ako while reading your letter sa aking laptop) dahil sa pagsirit ng luha ko.
U know what, nhhirapan me n mag-comment. But 4 me, tama ka na maigi na maalala mo ang mabubuti at masasayang bagay kaysa pangit.
Mabuhay!
Ate Jevs
Mga Puna »
RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI
Mag-iwan ng puna
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.


korek! nakakaiyak!
tumutulo sipon ko! hehehhe
it pays a lot to be positive. tanggalin ang pagiging negative sa buhay dahil nakakaapekto yun ng malaki sa ting outlook in life.
Comment ni Geisha — Nobyembre 6, 2008 #
ate jevs: naantig ka rin ba geisha? thanks.hehe. sad noh pero true. ang reality ng iyong nakaraan ay patuloy kang gagambalain kung hindi mo ito tatanggapin.
mabuhay!
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 7, 2008 #
Perstaym kong magpost ng comment dito at hindi ko na ito mapipigilan pa.
Mas lamang ang pangingilabot ko kaysa pagkaantig sa mga isinulat mo. Nakakatakot ka kasing managinip.
Madaling sabihin na dapat positive ang outlook natin sa buhay pero ang totoo n’yan ay napakahirap gawin.
Huwag mong kakalimutan na mapalad ka pa din dahil laging nasa tabi mo si Manang Huling para samahan kang manood ng sine kahit tinutulugan ka.
Isa kang mabuting anak.
Comment ni Jube — Nobyembre 7, 2008 #
Welcome sa Hoshilandia!
Nene: Nakakatuwa naman ang iyong comment. na-move na naman ako pakanan.
nakakatakot na ba akong mag-kwento. naku… ang idagdag ko pa naman sa pupu series ko ay mga panaginip ko. hehehe.
oo nga kaya precious yan si nanay. tiis na lang talaga sa ingay ng hilik. hehehe
naks di ako makapaniwala na mabuti akong anak. hahaha. salamat po!
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 7, 2008 #
Hindi mo naman na maririnig ang hilik kapag tulog ka na at lumulutang ka na sa mga panginip mo, iyon nga lang una mong problema ang kung paano matutulog.
‘Di bale mas madaling solusyunan iyon kaysa walang pera. Be positive..ayt!
Move it. Move it!
Comment ni Jube — Nobyembre 7, 2008 #
Ako hanggang ngaun ilan taon na rin parang hindi pa rin ako nakaka-move on kasi sobra hinahanap ko pa rin ang mother ko kapag may masakit sakin, kapag malungkot ako, kapag masaya ako, basta lahat ng nangyayari sakin lagi ko parin hinahanap at sinisisi bakit iniwan niya ako agad same with my father pero , pero sobrang maka nanay. kasi hindi ko lang siya nanay, kaibigan ko talaga. Saka iba rin ang treatment niya sakin. Kesa sa kapatid ko babae eh, napanganay pa. kasi nagshare siya ng secret niya sakin. Kaya nga ganun din ang ginagawa ko kay ira.IBANG KLASENG BONDING MERON KAMI.
Comment ni tet — Nobyembre 7, 2008 #
nene: jube! korek! minsan ang problema, hindi ka makatulog dahil sa problema mo sa pera. hahha
hilik ng nanay ko sa sinehan? naku , nakakaloka iyon. hahaha. pero okay lang di naman malakas at panaka-naka lang. hehe
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 7, 2008 #
ate jevs: ate tet! mahirap talaga ‘pag ina mo ang mawala sa iyo lalo pa nga’t babae ka. hindi rin maiiwasan na hanap-hanapin sila lalo na sa panahon na malungkot ka’t nag-iisa.
ang maganda niyan, iniwanan ka nila ng magandang alaala at magandang aral na siyang ipinapasa o ipinapadama mo sa iyong dyunakis. para na rin silang nabubuhay sa iyo at malamang masaya sila dahil napalaki ka nilang matatag.
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 7, 2008 #
hindi ka nadisqualified sa blogroll ko dahil gumawa ako ng sarili page para sa dumarami kong mga bwisita hehehe! joke lang… check mo dito :
mangbadoy[dot]wordpress[dot]com/sikat-ka-ba/
ang dati nyang name ay sikat ka ba? at ngayon pinalitan ko na lang ng BLOGROLL kasi na confuse ka e…
Comment ni mangbadoy — Nobyembre 7, 2008 #
heheh. ah ganun ba… salamat mangbadoy!
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 7, 2008 #
makaka move on lang ang isang tao kung na accept nya kung ano sya at kung sino sya at kung maniniwala sya sa kanyang sarili — hindi madali pero kayang gawin, one step at a time.
Comment ni kengkay — Nobyembre 7, 2008 #
ate jevs: korek ka ate kengkay! mahirap pero pag nagawa mo malaking ginhawa.
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 10, 2008 #
maraming taong nahihirapan gawin to, kahit taon na ang nakalipas. bilib naman ako na nagawa niya na. happiness is a choice. kaya lang nakakaadik ang kalungkutan. hehe. sana tayo ay magkaron ng lakas ng loob na piliin ang kasiyahan, tulad ng ginawa ni Nene.
Comment ni Carol — Nobyembre 10, 2008 #
ate jevs: korek ka Carol, ang pagpili ng kasiyahan ay maaring nasa ating kamay rin. mabuhay!
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 10, 2008 #
nyahaha
sorry, ha
pero natawa talaga ako dito
ang natatandaan ko naman sa erpats ko ay ito
noong bata pa ako
pag karga-karga nya ako
may payosi-yosi pa yon
isang braso nya, ako ang tangan
yun kabila kamay yosi ang hawak
panalo, diba!
Comment ni raft3r — Nobyembre 10, 2008 #
siguro akala niya ashtray ka. joke!
okay lang yon at least masaya kayong pareho sa smoking trip n’yo dava! pero alam mo mas na-amaze ako sa “Tangan.”
lalim paRE muntikan ko ng ‘di maarok. wahhhh!
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 11, 2008 #
Bakit na-late yata ako ng pagco-comment? May kina-career kasi! Alam mo na kung ano un. nyahahaha Natapos ko na sa wakas!
)
Seriously, recalling good moments with a loved one who’s gone permanently is bittersweet.
It’s been 15 years since my mom died but the pain never left; I just get used to it.
But then again, we always have to move forward and be optimistic about evertything. ;p
Comment ni len — Nobyembre 11, 2008 #
muy bien leng-leng!
Comment ni hitokirihoshi — Nobyembre 11, 2008 #