alarming ang mga pangyayari sa ating bansa ngayon. domino effect ang paggalaw ng presyo ng gasolina, pamasahe, bilihin, bill ng kuryente etc. but we, the working class kahit type man nating humara-hara sa kalsada eh di naman pwede kasi bukod sa bawat araw ay mahalaga…(well siempre yun iba diyan ayaw mainitan at bombahin ng tubig) ay nawawalan na ng gana sa ganung aksyon. i doubt kung kasing lakas pa ng mga naunang people power kung may lilitaw na edsa 5 ngayon… para na lamang kasi itong eksena sa isang political drama hindi ba?

sa ilang nakausap ko nitong mga nakaraang buwan mapa-ordinaryonng mamayan, negosyante, artist etc. nagkakaroon ng hinanakit na bakit nga ba hindi natin buhayin ang mga simpleng bagay na kung saan tayo magaling at tiyak na sagot sa ating mga problema.

agree ako sa nakausap kong negosyante na bakit hindi magtanim ulit ang mga magsasaka at tulungan ng gobyerno na linangin ang agrikultura sa bansa. ani ng businesswoman, ang thailand may economic crisis man ay hindi ganun kabigat kasi mayroon naman silang supply ng pagkain. at bakit ganun? dahil sila tanim sila ng tanim kahit walang kita, eh basta may makakain sila. oo nga naman, mataasan man tayo sa pamasahe eh kung makakatipid naman tayo sa pagkain eh di hindi ganun kabigat ang dagok, parang kunyat lang… boink!

sabi nila nauubos na rin ang supply ng asukal dahil marami sa mga nagtatanim ng bungang kahoy nito sa mga lalawigan ay pumipihit sa paglikha ng biodiesel. bagama’t maganda ang epekto ng nasabing gas, sana wag namang hayaang ng mga kinauukulan na tuluyang bumagsak ito kasi mas malaki rin ang kikitain natin kung patuloy o kung makakapag-export tayo ng asukal sa ibayong dagat. saka maraming negosyo ang maaapektuhan kung darating ang punto na kailangan na nilang mag-angkat pa…hello kumusta naman ang banana-q made in usa na ang sugar…

sino bang may ayaw na lumaban sa tikas ng mga ibang bansa? siempre gusto nating patunayan na astig tayo sa ganito’t ganyang aspeto subalit ang punto rito naayos na ba natin ang basic o step one bago tayo humakbang sa inaakala nating mas mataas na baitang.

kung tutuusin marami pang kailangan na kumpunihin na sira, pagyamaning lupa at linanging pag-asa. ano ang silbi ng globalisasyon kung sisimulan naman ito sa korapsyon, pagtapak sa karapatan at kultura at higit sa lahat paggutom sa matatagal ng kumakalam na sikmura? hindi ba’t bago pumasa sa grade two ang isang bata ay sinisiguro natin na nauto este natuto at handa na siya para rito.

hindi naman siguro kalabisan na bigyan naman ang pagpapahalaga ang mga friendship nating kalabaws out there at sino manong at manang sa kabukiran…they are part of our economy at wala pa ang mga nagtataasang gusali sa city eh sila na ating pangunahing negosyante. hihintayin ba natin na maubos sila at  nag-a-apple picking na lang sa australia, usa, or sa new zealand. naku po!!!