Dungaw, a Puppy Love fiction (pu-fi)
Mayo 14, 2008 at 9:15 umaga | In dream, emotion, journey, memory, relationship, self, song, story | 4 CommentsTags: abroad, barkada, childhood crush, crush, emotion, fiction, gusto, hidden desire, hinahangaan, hobby, infatuation, jealousy, kababata, kuya, love life, neighborhood, playing, puppy love, relasyon, relationship, separation, song, story, teen romance
Warning: mahaba ‘to, e kwento nga e
I.
Noong una wala ka lang sa akin, suplado ka kasi, minsan lang lumabas ng bahay at magkaiba ang henerasyon natin. Ako naman ay abala pa noon sa pakikipaglaro, lalo na sa mga nakababata mong pinsan. Pero, isang araw bigla mo akong tinitigan at tayo’y nagkausap.
Dahan-dahan sa pakiwari ko’y nag-iiba ang trato natin sa isa’t isa. Palagi ka nang nakatambay sa harap ng bakuran n’yo, habang ako’y palaging napapadungaw sa bintana namin. Unti-unti nagugustuhan ko ang pagiging tahimik mo, ang ‘di mo paghuhubad ng T-shirt kapag nagba-basketball, ang itsura mo na laging mukhang presko kahit pagod. Maging ang pag-iwas mo sa mga inuman at ‘di paninigarilyo, pagbabasa ng diyaryo at pagpapatugtog ng radyo.
Alam mo bang napakasaya ko noong batiin mo ang pagsasayaw ko kahit parang palpak naman ang nagawa ko.
II
Napangiti ako nang malaman ko na marami pala ang nagkakagusto sa iyo. Akala ko nga may nagustuhan ka sa isa sa mga kabarkada ng ate ko. Bigla-bigla hindi ka na lumalabas sa inyong bahay at nawala na rin ang alingawngaw ng iyong radyo. Napansin ko na lang din na palagi akong niloloko ng kuya mo noong mga panahon na iyon. Sila ba ang patalastas ng ating kwento?
Isang okasyon, nagulat ako dahil sumama kang makikain sa amin. Sa bigla ko nga ay para akong naging istatwa at namula ang aking mukha. Kahit gutom ako nun, mas pinili ko ang maglagi sa kwarto
Naalala ko rin noong gabing ‘yon ay nagmamadali kang umuwi. Akala ko nataranta ka rin dahil bigla akong lumabas, iyon pala nahiwa ang daliri mo ng salamin ng mesa namin. Ang cute, namula ka rin nang magtama ating mga mata.
III.
Minsan umangkas ako sa tricycle ng kaklase kong lalake para maihatid malapit sa bahay namin. Kung ano ang saya ko sa biyahe, iyon naman ang simangot ko noong makita mo akong bumaba ng tricycle. Nanginig ata tuhod ko noong tumayo ka at umalis. Tama nga ang song mo sa akin, “Isang Tanong, Isang Sagot” type ba natin ang isa’t isa?
Pero mas nalungkot ako nang malaman ko na maninirahan ka sa ibang bansa.
IV.
Ilang taon ang nakalipas, wala ng balita sa iyo at abala na rin ako sa ibang bagay. Isa sa inaayawan ko noon ay ang mamalagi sa tindahan namin, pero minsang abala ako sa pagnguya ng chichirya ay narinig ko na lang boses mo.
“Hi Hoshi!” bati mo sa akin. Noong araw na iyon, parang lalo kang gumawapo at hindi ako nakaimik. Sabi mo “hindi mo na ako kilala?” Kunwari, kinikilala kita pero sa totoo lang alam kong ikaw na ‘yon. Pero, ang mahirap sa iyo puro ka pagbati at hindi ka marunong magpaaalam, lalo na nung muli kang umalis.
V.
Nitong Marso nabalitaan ko na darating ka at dahil may teresa na ang bahay ninyo hindi ko maiwasang tumingala rito. Subalit ilang linggo na ang nagdaan nun ay hindi pa rin kita nakikita.
Isang araw, naisipan ko na magsimba sa paborito kong simbahan sa Manila. Dahil inabot ako nang tanghaling tapat at nakita kong may mga basura sa tapat ng aming bakuran, medyo uminit ang ulo ko. Subalit, maya-maya ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan.
Nang tumingala ako, nakadungaw ka na sa inyong teresa. Binati mo ako at dalawang beses naman kitang nasabihan ng “Hi!” Binati kita at sinagot mo naman ako sa wikang Tagalog kaya namangha ako sa iyo. Iba ka kasi sa nakatatanda mong kapatid.
Maya-maya napadako ang tingin ko sa batang naglalaro sa tabi mo Tinanong kita kong kaano-ano mo ang bata. Sinagot mo ang tanong ko at dahil doon gusto ko nang tumalikod kahit nararamdaman ko na gusto mo pa akong kausapin. Pero tingin ko ‘di mo narinig ang tanong ko dahil saliwa rin ang sagot mo nang sabihin ko na kausapin mo ang kuya ko.
Hindi ko mapigil ang mapatanga sa tuwing naalala ko ang eksenang iyon, lalo na’t nalaman ko na hindi mo naman nakausap sino man sa miyembro ng pamilya ko o sa mga kapit-bahay natin. Salamat! Dahil nitong huling alis mo, isinigaw mo ang pangalan ko.
Mga Puna »
RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI
Mag-iwan ng puna
-
ngo-ngo ng post
HitokiriHoshi-kyou
Hitokirihoshi is a blogger who occupies space and has mass.
(no question? okay read now, comment and be happy!)
-
bilang ng mga nam-visit
- 21,673 toktok
humalughog
Pa Henna
-
D pamatays
Cathy Goria
Mark D Tag
actor advice anak blog blogging bus caution creativity crush dream dreaming dumi emotion Family favorite fiction Filipino food friend friendship habit high school inspiration joke kwento letter life love memory movie music past time personality places pupu relationship school self society song story tae television transportation warningBlogroll
- alingbabe
- anakngpating
- artinformer
- asianartmatters
- ate yme
- Badong
- bagongBadoy
- beauty80
- bernardumali
- blurosebluguy
- caryn
- chico garcia
- conrad
- CReativeCookJUbe
- Cute
- DJ Kelly
- donser
- dr.com
- DStorymachine-Tonet
- Dudong
- elena stevenson
- extracebu
- frenchy
- Geisha
- Gumamelangmasulat
- icezorg
- jason
- joyo
- Kengkay
- masterBeht
- ms.che
- papertilapia
- pelicarol
- PinkLengLeng
- precious
- raft3r
- raymond bacolod
- salbehe
- sandi 2
- sherma
- tuutuukii
- undercover_tipsters
- Virtual Friend
- WordPress.com
- WordPress.org
Inilalakong Blog
Baul
- Nobyembre 2009 (4)
- Oktubre 2009 (9)
- Setyembre 2009 (9)
- Agosto 2009 (7)
- Hulyo 2009 (9)
- Hunyo 2009 (11)
- Mayo 2009 (6)
- Abril 2009 (6)
- Marso 2009 (8)
- Pebrero 2009 (7)
- Enero 2009 (5)
- Disyembre 2008 (2)
- Nobyembre 2008 (6)
- Oktubre 2008 (4)
- Setyembre 2008 (7)
- Agosto 2008 (12)
- Hulyo 2008 (7)
- Hunyo 2008 (7)
- Mayo 2008 (3)
- Abril 2008 (4)
- Marso 2008 (7)
- Pebrero 2008 (1)
- Enero 2008 (3)
- Disyembre 2007 (3)
- Nobyembre 2007 (5)
- Oktubre 2007 (2)
pecha
-
Chinilin
hitokirihoshi sa Divisoria hitokirihoshi sa Divisoria hitokirihoshi sa Divisoria raft3r sa Divisoria raft3r sa Divisoria -
klinik
-

http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com by hitokirihoshi is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Based on a work at kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com.
Permissions beyond the scope of this license may be available at http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com. bantay
parak
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.

mare, para kayong si romeo and juliet. ‘kaw si romeo, sya si juliet kasi sya ‘yung nasa terrace hahaha!
hitokirihoshi_kawaii: oo nga no…saka mas mahiyain pa sa akin eh… pero i’m 100 percent sure lalaking-lalaki ang leading man sa story na ‘to.. heheh
Comment ni sonnetshaven — Mayo 16, 2008 #
Akala ko pa naman happy ending ang love story(?) na ito. haha
Si terrace boy talaga! ;p
Hitokirihoshi_kawaii: OO nga, malay mo may sequel, book 2 or season 2… tas doon magtapos ng maganda ang kwento. hehehe.
Comment ni Len — Mayo 19, 2008 #
landi mo, ateh!
kilala ko yang ka-loveteam mo sa kwento. Si _______e ba yan?
Hitokirihoshi_kawaii: siya na nga…pagbigyan mo na minsan lang ako lumandi. ahahha
Comment ni Salve — Hunyo 3, 2008 #
korek ka dyan Salve! hindi ko nga lang alam kung bakit kc nahuhumaling sa mga alanganin…. dahil kaya un ang tinitibok ng puso nya! aru!!!!
hitokirihoshi_kawaii: oi in fairness naman dito mukhang lalaki naman. hahaha… mahilig lang ako sa mayumi, para maiba naman sa akin. hahahah!!
Comment ni obet-d-puge — Hunyo 11, 2008 #