Bumisita ang isa sa aking pinakapaboritong pinsang lalake (2 lang naman sila). Paborito ko siya kasi bukod sa magandang lalaking tulad ko (chuz!) ay nasasakyan niya ang mga ka-weirduhan ko. Siya lang naman ang pinsan ko na naglakas loob na pagdamitin ako ng gown sa kasal niya bilang abay …wadapak!

Anyway, sa gitna ng inuman nila ni kuya saklay ay natanong niya sa akin kung may opening sa opisina. Sa isip ko, caregiver yung tinapos niya kaya sabi ko tignan ko, pero sa pagkakaalam ko babae yung pina-priority sa amin. Nakalimutan ko na nursing nga pala siya. Eh d ba pag tapos ka ng ganung course eh amoy dollar ka na..

At dahil mana sa akin na mahilig sa hirit, sabi niya kung pwede raw yung work na linggo ang pahinga. Mayroon daw kasi siyang nahanap kaso yung day-off eh Monday to Friday… ano intindi nyo? Sabi ko, hanep na trabaho iyan dalawang araw lang ang pasok. Iyon pala mamimili siya ng day-off alin sa mga araw sa weekdays.

sa bagay pamilyadong tao na ang pinsan ko kaya siguro yung sun inaaalay na niya sa pamilya niya (Eh trabaho nga, iyon kaya dapat siya muna ang mag-adjust lalo na kung desperado na.). tapos maya-maya nabanggit niya “old school na kasi.”

Nag-sink lang sa kokote ko ang ibig niyang sabihin kinabukasan…napag-alam ko kay manang juling na hindi pala siya umuuwi sa bahay nila dahil wala siyang trabaho. Hiya na rin siguro, habang wala pa siyang nahahanap. Naisip ko lang na tapos nga siya pero nahihirapan nang maghanap ng work dahil sabi nga niya 2 years lang tanda ni Kuya saklay sa kanya. Eh si kuya saklay 10 taon ang gulang sa akin.

Nung lumalamon kami ni kuya saklay ibinahagi ko sa kanya ang aking sentimyento. Ikako, magkapareho sila pinsan at ang isa naming magaling na kapatid … nung panahon na nag-aaral sila ay mga nagbulakbol, hayun dekada na sa school hindi pa rin nagsipagtapos. Nakakalungkot lang isipin na kung kailan gusto na nilang magbagong buhay, magpatuloy sa pag-aaral at umasa ng magandang trabaho ay medyo malabo na. … (naks palalim na ito!) ngayon pa naman na tumatayo na sila bilang padre de pamilya.

Marami sa lugar naming ang gaya nila… at alam kong maraming kabataan din ang tinutularan sila… yung hindi nakinig sa “Time is gold,” “conserve energy (money),” study your lesson and be good,” etche tira!!! Panakot ko nga minsan dun sa magaling naming kapatid yung kapit-bahay namin na inaaway ko kasi kinakana yung doggies namin…wala na siguro makain. Alam mo yun…. Yung nabubuhay sa kung anong darating… hindi nagsusumikap sa buhay…

Naaalala ko noon, sinabihan ko rin ang magaling kong kapatid na kahit naman di mo iwan iyong pagbabarkada mo basta siguraduhin mo man lang na napapasa mo yung mga subjects mo. Siempre pa, hindi siya nakinig… mas matanda siya sa akin e.. pero nare-realize niya na ngayon na tumpakers ako… yung isa ko ngang ka-barkada, kababaeng tao tumatalon sa pader para lang mag-cutting class at ng makapag-arcade sa ever, eh nagkaroon pa ng honor. Katwiran niya pag may exam naman daw eh tumataas ang bakod sa school.

Alam ko na marami diyan ang nilalamon ng guilt, pity at ang pinakamatindi yung low self esteem. Yun ang dahilan ng kanilang depression na nauuwi sa pagpapatihulog sa billboard sa edsa sa may tapat ng isang giant TV station. Pero, kung iisipin naman talaga… wala silang dapat sisihin kundi ang sarili nila…lalo na kung may ipang-aaral naman pero ginamit sa mga kabulastugan at kababalaghan. (naku lalong na-depress choriii!!!)

Masarap kotongan pero huli na para mga “old school.” Kapag nakakausap ko sila, sinasabi ko na “fight lang” kahit naman ikako sa mga tapos at fresh na like me… eh dumaan din sa mga chiverlou at chinilin china eklabu. Yun nga lang kailangan nilang doblehin pa. Wish ko lang talaga na matuto na ang kabataang Pilipino…(naks!) sa mga naunang pasaway sa kanila.