16th death anniversary ng daddy ko last nov. 9. medyo bad trip ako sa ginawang celebration sa bahay kasi naturingang death anniv… eh may videoke at inuman pa.wala naman gaanong problema dun… because i’m certified “diva,” ang azar ko lang ay nung makita ko ang mga political people. hindi naman pala mga invited ay nagsipagdatingan pa doon.
anyway, dumating ang kumpare ni daddy, kasama ng buong pamilya niya. actually kababata ko ang 3 maria niya… pero nung lumaki kami hindi na kami masyadong close.
ang sad story ay ikinuwento ni nanay kinabukasan. mayroon pala silang memorable experience ng kumpare ni Daddy nung ipinanganak ako. ang alam ko kasi medyo comedy ang scene nung chinurva ako ni maderaka kasi sa kotse na niya ako ipinanganak. Dapat nga Conchita name ko (buti na lang natauhan sila bago pa maisulat sa papel).iyon pala may sad part pa doon.
dapat after three days lalabas na kami ni nanay(ganun kasi policy nun ewan ko lang ngayon), pero inabot kami ng one week sa hospital.Hindi kasi kami dinadalaw ni daddy at wala namang pambayad sa paglabas naming mag-ina. Nung dumalaw si Tito B saka na kami nakalabas.
Sabi pa nga ni nanay , hindi rin siya nakakain ng halos isang araw dahil wala ngang pambili. Wahuhu
Ngayon I know, kung bakit may pagkaaning-aning ako. Lumabas na ako sa kotse, nagutuman pa… Hehehe.
Nobyembre 20, 2007 at 9:09 umaga
Nakwento mo na ito e, pero natawa ako sa pagkakakwento mo. hehe
Nobyembre 20, 2007 at 9:30 umaga
well kailangan ibang attack di ba… hehehe
Nobyembre 20, 2007 at 10:09 umaga
nakow! kaya pala kung makatawa ka parang kalalabas mo lang ng…
dios mio!
Hulyo 7, 2008 at 6:37 umaga
parang tipong “finally” ba ang hagikgik at halakhak ko? hahahahah